Nag- UTI nanaman ako kahapon. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang UTI events na ako. Last year nga lang 3 times ata ako nagkaroon. Laging antibiotics ang prescription, pataas ng pataas ang dosage. Hindi pa kasama doon ang 2 beses na tonsilitis events ko ha. Antibiotics din ang katapat ng mga yun.
Kahapon, habang nagchi-check ako ng mails, naramdaman ko na ang mga symptoms. The usual urge to urinate often, tapos may pain sa baba ng puson. At nung mag-wiwi ako, asus! Halos napakapit ako sa toilet bowl! Kasakit kamo!
I made up my mind. Ayoko nang mag-antibiotics muna. Naku, lutong-luto na ang katawan ko sa antibiotics. Last January 24 lang, nung magka-tonsilitis ako, Rulid na ang ininom ko. Sabi ni Ate Do, who's a licensed pharmacist, malakas na raw yun.
Since naka-connect na rin lang naman ako, nag-surf na rin ako ng pwedeng treatments. Number 1 ang "go to your doctor and take the prescribed antibiotics". Ngak! Scroll ko agad to Number 2. Yoko na ngang mag-antibiotics, no!
Number 2 "drinking a lot of water may help flush out the bacteria" daw. Ayos! Bumaba ako at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Mga 2.75 liters din yun. Tunggain ko nga. As in sunod sunod na inom. Haay naku, lunchtime nga busog na busog pa ako dahil sa dami ng tubig na ininom ko. Wiwi ako ng wiwi pagkatapos nun. Masakit pa rin at mahapdi ang feeling. Pero yung pain sa puson nawala.
Number 3 "drink cranberry juice". Paano na? Sang lupalop ng Santa Rosa ako maghahanap ng cranberry juice. Ang lakas pa naman ng ulan. At dahil lagi akong nawiwiwi, duda akong makaka-byahe pa ako papunta sa pinaka-malapit na grocery. Naisip ko ang buko juice! Text ako kay Daddy Jun, nagpabili ako ng maraming buko sa Tagaytay.
Maaga dumating si Daddy Jun. Niyayaya akong pumunta ng doktor. E ayoko nga so wala siyang nagawa.
Napuno uli ang 2.75 liter na pitsel namin ng buko juice. From 4 pm to 7pm inom ako uli ng inom nun. Masuka-suka na nga ako sa sobrang busog eh pero sige pa rin. Within that time frame din wiwi ako uli ng wiwi. Mahapdi pa rin ang feeling at sumakit uli ang puson ko. Bigla akong natakot. Mukhang ayaw yata mawala. Nagalit na si Daddy Jun. Sinisi na ako. Hindi pa raw kasi ako nagpadala sa doktor nung maaga pa lang.
Pinanindigan ko na ang decision ko. Salamat sa cable TV at nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. (BTW, pamatay ang CSI kagabi!) Wiwi pa rin ako ng wiwi. After ng CSI, palipat-lipat na ako from Extra Challenge to Fear Factor and back. Nag-scan pa ako ng ibang channels. Weird sa Jack TV. Napanood ko si Alanis Morisette na kumakanta ala-Britney Spears. After the song, I got the message. Britney nga pala is supposed to be a teen idol who's not acting like one. Natulog na ako after that MTV.
3am nagising ako para mag-wiwi. Panalo! Wala na ang sakit! At ang haba-haba talaga. Parang lahat ng buko juice inilabas ko na. Ngayon, ok na talaga.
Wow! The miracles of buko juice!
Thursday, June 2
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 sweet comments:
as of now tingin ko may UTI din ako, same symptoms kc base sa blog mo... pero like you tamad akong mag pa check up, ngyon puro tubig lang me,maya try ko naman ng buko juice... ask ko lang ano madalas na antibiotic ang gamit mo?
as of now tingin ko may UTI din ako, same symptoms kc base sa blog mo... pero like you tamad akong mag pa check up, ngyon puro tubig lang me,maya try ko naman ng buko juice... ask ko lang ano madalas na antibiotic ang gamit mo?
Post a Comment