Friday, May 6

Swimming Na Naman!

Nagpa-reserve si Tita Myrna sa isang resort para doon magkaroon ng swimming party for us. Kumpleto ang lahat, si Dulce lang ang kulang. Dulce is also a sister of Daddy Jun. She is working as a nurse in London. Pati ang mga anak niya hindi namin naisama sa Bicol kasi nag-enroll sa Taekwondo lessons si CJ.

Sobra talaga mag-asikaso sila Tita Myrna. Umorder pa talaga ng hipon at alimango sa palengke para baon namin sa swimming. Alam kasi nilang gustong-gusto namin ang seafood. Nagkatay din ng dalawang manok si Kuya Edward.

After lunch, nag-swimming na ang lahat. Bago umuwi, hindi ko na makita si Rap sa malayo. Buti na lang at neon green ang trunks niya. Ang theme song nga namin ngayon e "Pangit ka, baluga ka pa!" (to the tune of Stairway to Heaven themsong) Hehehehe.

0 sweet comments: