Wednesday, May 4

OK ka ba tiyan, Lola Aba?

Ok na ang tiyan ni Daddy Jun pero si Lola Aba naman ang nag-alburoto. Pumasok siya sa office nung morning pero nagpa-sundo sa amin before lunch. Masama na raw ang tiyan niya. Dun kami sa bahay ni Mama nag-lunch. After lunch, tumuloy kami sa palengke para bumili ng bagoong na ipapaluto ko kay Dong. The best magluto ng bagoong yun, pang-export!

Dumaan din kami sa bakery para bumili ng Pan Bonete. Sa Naga lang kami nakakakain nun. Dumaan din kami si grocery para bumili ng baon for our small picnic sa Pili Capitol.
Pagdating sa bahay, umalis din kami agad for Pili. Dinaanan namin sila Kuya Edward (cousin ni Daddy Jun) and his family para maisama sa pamamasyal. Buti na lang yung multicab ni Dong ang dala namin kaya kasya lahat.

Sa Capitol may picnic area na pwedeng bisitahin. Dun kami nag-stay. Ang mga bata, nag-enjoy sa pagpapakain ng tinapay sa mga isda sa lagoon. After nun, yung mga usa naman na nakakulong ang pinakain namin ng mga damo.


Feeding deers at the Capitol in Pili, Camarines Sur

0 sweet comments: