Friday, April 15

Si Junin, Ang Maaasahang Alalay

Kasali ako sa Smart Parenting e-group. Mainit ang issue ngayon tungkol sa mga abusadong katulong. Ako, sige lang, basa lang ng mga sharing nila sa inbox ko. Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako sa katulong ko.

Si Jun. Pero katukayo niya si Daddy Jun, Junin na lang ang tawag namin. Si Rapido syempre Tito Junin. Ayaw niya ng Tatay (lagi kasi naming niloloko na tatay niya si Jun).

Opo. Lalaki po ang katulong ko sa bahay. OK lang, magaling din naman sa bahay. Kaya lang ako pa rin ang nagluluto at nagpa-plantsa. Siya ang taga-hatid kay Rap sa school, taga-linis ng bahay, in-charge sa needs ni Yuri (ang aking beloved dog), taga-laba at taga-car wash. May bonus pa. Dati nagbabayad ako 300 pesos every month para lang magpa-gupit ng damo at halaman ng garden namin. Si Jun na rin ang gumagawa nun. Siya rin ang taga-ayos ng mga sirang gamit sa bahay. Dr. Junin nga ang tawag ni Mama Babes sa kanya eh. Name it, he can fix it. Ewan ko nga kung paano niya natutunan yun eh.

Kaya nga pakahihintay-hintay ko ang April 20. Ang pagbabalik niya galing Bayawan. Ayoko na kasi uli mag-hand wash no!

Swerte din namin at napunta sa amin si Jun. Pinsan siya kasi ni Janet, ang dating yaya ni Rap. Kaya lang umuwi si Janet para mag-aral ng college sa probinsya. Si Jun naman dating framer ni Mama Babes. Kaya lang, year 2003 di maganda ang negosyo kaya isinara na lang. Naawa naman kami kay Jun at wala siyang trabaho. Ayaw naman niya umuwi sa kanila at mahirap ang pera sa probinsya.

Ayun, magmula noon, siya na ang alalay ko dito sa bahay. Tahimik na tao, masyadong mahiyain. Di nga kumakain ng marami eh. Basta may kape, solve na. Di nagdi-day off, basta kung walang pasok si Rap, dito lang siya sa bahay at nagkukutingting ng kung anong pwedeng ayusin. Kaya nga nitong bakasyon niya ng 6 weeks, parang paid leave niya eh. Bayad ko sa mga day off niya na hindi niya ginamit. Sinagot ko na rin pamasahe para bayad ko sa mga inayos niyang gamit sa bahay at sa kawayan na garden set na ginaawa niya.

Sana nga matuloy na ang balak namin na makapag-aral siya kahit cellphone technician man lang. Para naman kahit umalis siya sa amin, meron na siyang nalalaman. Pero syempre, sana, matagal pa bago siya umalis sa amin. Mahirap na humanap ng katulong na tulad niya.

Category:

1 sweet comments:

Anonymous said...

swerte mo. ako, may darating ngayong linggo from cagayan. pray ko sana ito na! =)