
Kahit na masaklap ang katotohanang nagbayad pa kami para lang humuli ng mga tilapiang ito ay ayos na rin. Sa una'y talagang maghihintay ka ng medyo matagal. Idagdag pa na hindi pwedeng malikot kundi'y gagalaw ang pisi sa ilalim ng tubig at lalayo ang mga isda.
Pero tanggal lahat ng pagod at paghihirap kapag nakahuli na. Ang sarap pa ng tawanan at asaran sa kung sinong may pinakamaliit na isda. Kita niyo nga, natalo pa ng aking anak ang kanyang Daddy. Ayun, back to the waters ang isda ng asawa ko. Bata pa kasi. Nasa isang kilo rin ang aming huli, tamang-tamang pananghalian ng lahat.
Tsaraaan! Piniritong Tilapia. Sariwa galing sa Fishing Lagoon ng Eco Village, Pili, Camarines Sur. Masarap na kasalo ng sariwang kamatis at sawsawang toyo at kalamansi. Masiram (masarap) kumbaga sa aming mga Bikolano. Tara, kain na tayo.
Masarap din ba ang tanghalian niyo? Ibahagi mo ito sa amin sa Litratong Pinoy.
Nothing tastes better than lunch that you did not only cook but also caught as well. Never mind the fact that we paid a fee to be able to catch the fish. It was all hard work because you cannot move too much so as not to scare the fish under the water. Nevertheless, it was all worth it. We had so much fun laughing at my husband who caught the smallest fish. We had to throw it back to the water. We fried the fish and served it with fresh tomatoes and soy calamansi dip. This photo was taken on our fishing trip to the Fishing Lagoon of the Eco Village in Pili, Camarines Sur. In Bicolano, we say it's masiram meaning yummy!
Is your lunch masiram, too? Share it with us on Litratong Pinoy.
Nakakagutom naman. Mas masarap talaga ang mga sariwang pagkain. hmmm nagisip tuloy ako kung magluluto din ako ng tilapia ngayong tanghali. :-)
ReplyDeletenarito naman ang lahok ko:
http://penname30.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch.html
ang kyut noong nahuli nila pero buti nalang may nahuling malalaki:) wow! nasubukan namin iyan hindi kinaya ng powers namin at wala kaming nahuling malaki kaya nag-utos nalang kami :) Pupunta kami ng Camsur nitong buwan. Saan pa pwdeng mamasyal doon?
ReplyDeleteit's a great bonding moment for both of them, si husband din eh asar-talo sa akin kapag mas malaki ang nahuhuli ng mga anak nya kesa sa nahuhuli nya. :)
ReplyDeletemasarap ang pagkain kapag pinaghirapan mo ito hehe. priting tilapia masarap yan lalo na kung malutong ito samahan pa ng toyo, kalamansi at sili.
ReplyDeleteHappy LP
dito ko lang sa canada natutuhan kumain ng tilapia...masarap pala! mas masarap siguro yang prito mo kasi fresh. Happy LP!
ReplyDeleteNakakatuwa naman ... that's a very good experience for your kid.
ReplyDeletetalagang mas masarap ang tanghalian kung ikaw ang humuli
ReplyDeleteGreat experience especially for the kid.
ReplyDeletemasarap nga pagkatapos ng hirap. ito naman sa akin, may tilapia rin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-tanghalian-lunch.html
ReplyDeletemasarap talaga kumain, lalo na pag talagang pinaghirapan ung kakainin hehehe
ReplyDeleteeto naman po ung akin :D
Tanghalian
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
yan ang masarap kainin kasi pinagpaguran, may effort talaga, ang sarap ng sawsawan nakakamiss ang pinas talaga, happy LP
ReplyDeletemasarap na, masaya pa hehe! enjoy naman ng tanghalian niyo!
ReplyDeleteang galing naman niyan! makakatiyak kayong sobrang sariwa ang isda :)
ReplyDeleteat maganda ring bonding moment yang fishing!
ReplyDeleteat maganda ring bonding moment yang fishing!
ReplyDeletesarap nga niyan, preskong preskong isda, ganda pa ng bonding :-)
ReplyDeletesalamat sa pagbisita :-)
wow! challenging itong tanghaliang ito!:) sarap!
ReplyDeleteThat is one challenging lunch treat! If it were me, I'd be so cranky in just 1 minute if I wont be able to catch fish!http://www.cdokay.com/
ReplyDeletewow! challenging itong tanghaliang ito!:) sarap!
ReplyDeletemasarap na, masaya pa hehe! enjoy naman ng tanghalian niyo!
ReplyDeleteyan ang masarap kainin kasi pinagpaguran, may effort talaga, ang sarap ng sawsawan nakakamiss ang pinas talaga, happy LP
ReplyDelete