Thursday, January 21

Litratong Pinoy: Maibigan/Magustuhan (To Like/To Like The Taste Of)



Yellow Cab delivery saved the night!

Malaki ang utang na loob ko sa naka-imbento ng food delivery. Nitong nagdaang Byernes kasi ay ika-10 taong anibersaryo ng kasal namin ng aking kabiyak. Como nga ika-10 taon, nagplano naman ako ng munting salu-salo para sa aming pamilya. Nung una'y binalak namin na kumain sa labas at manood ng sine kasama ng aking anak at biyenan. Kaya nga lang, noong araw na iyon ay kinailangang pumasok ng aking asawa sa trabaho at ginabi na ng todo. Ang pagkain sa labas ay naging sa loob na lang ng bahay. At dahil nga hindi na ako nagluto ng hapunan dahil nga balak naming lumabas, nagpa-deliver na lang ako ng pizza, pasta, at chicken. Bumili naman ang aking kasambahay ng beer at vodka sa kalapit na grocery. Ayun, nakaraos din ang aming munting salu-salo. Nagustuhan pa ng lahat? Oo naman! At sa tingin ko'y mas naging masaya pa kaysa kung kami ay natuloy lumabas.

I am indebt to whoever invented food delivery. Last Friday was our 10th wedding anniversary and we were supposed to celebrate by having dinner in a restaurant and watching a movie. However, my husband had to go to work that day and had to stay late in the office. All our plans of going out were cancelled. I called a restaurant nearby and had pizza, pasta, and fried chicken delivered. My houseboy went to the supermarket nearby to buy a bottle of vodka and some cans of beer. We had dinner as soon as my husband arrived. Did everyone like our celebration? Yes, of course! And I think what we had was even merrier compared to what we could have had if our plan pushed through.



10 sweet comments:

thess said...

Mauie, Happy Happy 10th Anniversary sa sa inyo ni mister! I wish you more blessed years ahead :)

and I like your take outs..yummy!

cross eyed bear said...

happy anniversary! parang ang sarap ng food. :)

ito ang aking lahok

♥peachkins♥ said...

I love YC's new Chicken Alfredo pasta!

Willa said...

wow!! Happy Anniversary!!!!!
Lahat ng nasa litrato for sure magugustuhan ko. :)

Ken said...

Sarap niyan, thank you for commenting on my ilio.ph maibigan post.

Marites said...

bongga pa rin ang selebrasyon at mukhang masarap pa ang napadeliver ninyo :) maligayang LP!

Ebie said...

Mauie, congratulations sa ika-10! Sarap ng pagkain lalo na sa chicken wings, paboritong parte ko yan sa manok.

Iris said...

yellow cab! favorite ko yan =)

belated happy anniversary! wala naman sa handa yun, nasa pagsasama. hehe

Marites said...

bongga pa rin ang selebrasyon at mukhang masarap pa ang napadeliver ninyo :) maligayang LP!

Willa said...

wow!! Happy Anniversary!!!!!
Lahat ng nasa litrato for sure magugustuhan ko. :)