Thursday, August 13

Litratong Pinoy: Tanghalian (Lunch)

Wala nang sasarap pa sa tanghaliang hindi lang ikaw ang nagluto kundi ikaw pa ang humuli!



Kahit na masaklap ang katotohanang nagbayad pa kami para lang humuli ng mga tilapiang ito ay ayos na rin. Sa una'y talagang maghihintay ka ng medyo matagal. Idagdag pa na hindi pwedeng malikot kundi'y gagalaw ang pisi sa ilalim ng tubig at lalayo ang mga isda.


Pero tanggal lahat ng pagod at paghihirap kapag nakahuli na. Ang sarap pa ng tawanan at asaran sa kung sinong may pinakamaliit na isda. Kita niyo nga, natalo pa ng aking anak ang kanyang Daddy. Ayun, back to the waters ang isda ng asawa ko. Bata pa kasi. Nasa isang kilo rin ang aming huli, tamang-tamang pananghalian ng lahat.


Tsaraaan! Piniritong Tilapia. Sariwa galing sa Fishing Lagoon ng Eco Village, Pili, Camarines Sur. Masarap na kasalo ng sariwang kamatis at sawsawang toyo at kalamansi. Masiram (masarap) kumbaga sa aming mga Bikolano. Tara, kain na tayo.

Masarap din ba ang tanghalian niyo? Ibahagi mo ito sa amin sa Litratong Pinoy.

Nothing tastes better than lunch that you did not only cook but also caught as well. Never mind the fact that we paid a fee to be able to catch the fish. It was all hard work because you cannot move too much so as not to scare the fish under the water. Nevertheless, it was all worth it. We had so much fun laughing at my husband who caught the smallest fish. We had to throw it back to the water. We fried the fish and served it with fresh tomatoes and soy calamansi dip. This photo was taken on our fishing trip to the Fishing Lagoon of the Eco Village in Pili, Camarines Sur. In Bicolano, we say it's masiram meaning yummy!

Is your lunch masiram, too? Share it with us on Litratong Pinoy.




Add to Technorati Favorites

21 sweet comments:

Yami said...

Nakakagutom naman. Mas masarap talaga ang mga sariwang pagkain. hmmm nagisip tuloy ako kung magluluto din ako ng tilapia ngayong tanghali. :-)

narito naman ang lahok ko:

http://penname30.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch.html

Marites said...

ang kyut noong nahuli nila pero buti nalang may nahuling malalaki:) wow! nasubukan namin iyan hindi kinaya ng powers namin at wala kaming nahuling malaki kaya nag-utos nalang kami :) Pupunta kami ng Camsur nitong buwan. Saan pa pwdeng mamasyal doon?

Willa's LP:Lunch said...

it's a great bonding moment for both of them, si husband din eh asar-talo sa akin kapag mas malaki ang nahuhuli ng mga anak nya kesa sa nahuhuli nya. :)

upto6only said...

masarap ang pagkain kapag pinaghirapan mo ito hehe. priting tilapia masarap yan lalo na kung malutong ito samahan pa ng toyo, kalamansi at sili.

Happy LP

emarene said...

dito ko lang sa canada natutuhan kumain ng tilapia...masarap pala! mas masarap siguro yang prito mo kasi fresh. Happy LP!

SASSY MOM said...

Nakakatuwa naman ... that's a very good experience for your kid.

leira said...

talagang mas masarap ang tanghalian kung ikaw ang humuli

Lynn said...

Great experience especially for the kid.

Carnation said...

masarap nga pagkatapos ng hirap. ito naman sa akin, may tilapia rin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-tanghalian-lunch.html

yeye said...

masarap talaga kumain, lalo na pag talagang pinaghirapan ung kakainin hehehe
eto naman po ung akin :D

Tanghalian

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

an2nette said...

yan ang masarap kainin kasi pinagpaguran, may effort talaga, ang sarap ng sawsawan nakakamiss ang pinas talaga, happy LP

Ria said...

masarap na, masaya pa hehe! enjoy naman ng tanghalian niyo!

Janelle said...

ang galing naman niyan! makakatiyak kayong sobrang sariwa ang isda :)

fortuitous faery said...

at maganda ring bonding moment yang fishing!

fortuitous faery said...

at maganda ring bonding moment yang fishing!

PEACHY said...

sarap nga niyan, preskong preskong isda, ganda pa ng bonding :-)
salamat sa pagbisita :-)

ces said...

wow! challenging itong tanghaliang ito!:) sarap!

Cagayan de Oro jobs said...

That is one challenging lunch treat! If it were me, I'd be so cranky in just 1 minute if I wont be able to catch fish!http://www.cdokay.com/

ces said...

wow! challenging itong tanghaliang ito!:) sarap!

Ria said...

masarap na, masaya pa hehe! enjoy naman ng tanghalian niyo!

an2nette said...

yan ang masarap kainin kasi pinagpaguran, may effort talaga, ang sarap ng sawsawan nakakamiss ang pinas talaga, happy LP