Monday, September 5

Surviving....

Grabe na ito. Two months na ako nagtuturo. I'm proud of myself that I'm surviving. In the first month, I remember wishing for a typhoon para ma-suspend ang classes. Alam mo naman ang pre-school, Signal No. 1 lang wala nang class. May dreams pa nga ako na napapalo ko daw yung mga students ko kasi sobrang kulit. Haay naku, mga repressed emotions talaga sa subconscious lahat naiipon.

Ngayon, I think I adapted. And I am enjoying every minute of it. I think, blessing na rin na napalitan ang teacher aide ko (mahabang kwento.... ). Masayang kasama ang mga bata. Siguro makulit lang sila noon kasi bago pa ako. Parang they were trying to test my patience lang. Pero ngayon, isang tingin ko lang quiet na. And very participative na sila ha. Enjoy ako everytime na we're singing songs. Parang libre laro, libre release ng tensions.

Downside lang is hindi ako masyado makapagsulat sa blog. :(