Thursday, May 12

Ryan Racal


Nag-check ako ng friendster account ko. Member ako ng Racal Clan. Mama ko kasi is a Racal from Albay. Members ng group na ito ay kami ring magkakapatid at iba pang mga pamangkin.

Nagulat ako at nandoon ang account ni Ryan Racal. Contestant siya dun sa Search for a Star in a Million. Hmm... kamag-anak ba namin siya? Di ko alam. Eh in-add niya sarili niya eh, malamang nga. Pero paano nangyari yun? Taga-Cebu siya, Bicolano kami. I still have to figure this one out.

Sabagay, lahi talaga namin ang magaganda ang boses! Hehehehe...

Wednesday, May 11

My iPod Shuffle


Last night, I received an early birthday gift from Daddy Jun. Sa text niya nung morning pa lang sabi niya matutuwa daw ako. Sa totoo lang, hindi lang tuwa, galak na galak! Hehehe. Pero syempre di ako nagpahalatang excited!

Saturday, May 7

Back to Reality

Last day of our 2-week mega vacation. 10 am na kami umalis ng Daet to Laguna. The road, this time around, is smoother. Mas marami kasing dumadaan sa Quirino Highway kaya hindi nasira ang daan from Daet to Quezon. Aalog-alog kami sa kotse. Si Mama na lang kasi ang kasama naming tatlo pauwi. 7pm we reach Laguna Bel Air. Back to reality, so they say.

Friday, May 6

Swimming Na Naman!

Nagpa-reserve si Tita Myrna sa isang resort para doon magkaroon ng swimming party for us. Kumpleto ang lahat, si Dulce lang ang kulang. Dulce is also a sister of Daddy Jun. She is working as a nurse in London. Pati ang mga anak niya hindi namin naisama sa Bicol kasi nag-enroll sa Taekwondo lessons si CJ.

Sobra talaga mag-asikaso sila Tita Myrna. Umorder pa talaga ng hipon at alimango sa palengke para baon namin sa swimming. Alam kasi nilang gustong-gusto namin ang seafood. Nagkatay din ng dalawang manok si Kuya Edward.

After lunch, nag-swimming na ang lahat. Bago umuwi, hindi ko na makita si Rap sa malayo. Buti na lang at neon green ang trunks niya. Ang theme song nga namin ngayon e "Pangit ka, baluga ka pa!" (to the tune of Stairway to Heaven themsong) Hehehehe.

Thursday, May 5

Pati ba naman tiyan ko?!!!

Nagising ako sa sakit ng tiyan. Pati pala ako may diarrhea na rin. Ewan ko ba? Natakot ako bigla at baka pati si Rap magkaroon din. After 3 visits to the toilet, uminom na ako ng Imodium. Ang malas ko naman. Sa hapon papunta pa naman kamin Daet para bisitahin sila Tita Myrna. Buti na lang after lunch ok na.

5pm we traveled to Daet. Before 7pm, nasa bahay na kami nila Tita Myrna. Nakakahiya, special treatment nanaman kami. Kami ni Rap at Daddy Jun ang pinatulog sa Master's Bed. Ang kotse pa namin, pina-park dun sa kapitbahay nila na may malaking bahay. Sabi nga ni Mama, sa lahat ng mga kapatid niya, si Tita Myrna ang pinaka-mabait.

Wednesday, May 4

OK ka ba tiyan, Lola Aba?

Ok na ang tiyan ni Daddy Jun pero si Lola Aba naman ang nag-alburoto. Pumasok siya sa office nung morning pero nagpa-sundo sa amin before lunch. Masama na raw ang tiyan niya. Dun kami sa bahay ni Mama nag-lunch. After lunch, tumuloy kami sa palengke para bumili ng bagoong na ipapaluto ko kay Dong. The best magluto ng bagoong yun, pang-export!

Dumaan din kami sa bakery para bumili ng Pan Bonete. Sa Naga lang kami nakakakain nun. Dumaan din kami si grocery para bumili ng baon for our small picnic sa Pili Capitol.
Pagdating sa bahay, umalis din kami agad for Pili. Dinaanan namin sila Kuya Edward (cousin ni Daddy Jun) and his family para maisama sa pamamasyal. Buti na lang yung multicab ni Dong ang dala namin kaya kasya lahat.

Sa Capitol may picnic area na pwedeng bisitahin. Dun kami nag-stay. Ang mga bata, nag-enjoy sa pagpapakain ng tinapay sa mga isda sa lagoon. After nun, yung mga usa naman na nakakulong ang pinakain namin ng mga damo.


Feeding deers at the Capitol in Pili, Camarines Sur

Tuesday, May 3

OK ka ba tiyan, Daddy Jun?

Nagda-diarrhea si Daddy Jun. Ewan ko nga kung bakit eh. Baka kako na-sobrahan lang sa kinain nung nakaraang gabi. Nag-beer pa siya dun sa Bistro Roberto. Plastado siya buong araw sa bahay. Dahil hindi siya maka-alis, nagdala na lang sila Ate Cel ng lunch sa bahay ni Tita Ops at doon na kami kumain lahat.

Kinagabihan, pumunta kami sa LCC mall para mag-grocery. One month din kasing nasa Bacolod si Tita Ops bago kami nag-Boracay at Naga kaya walang laman ang ref niya. Ang sosy pa ng lola mo at bumili ng electric water dispenser at bibili na lang daw kami ng purified water. Baka raw kasi dahil sa tubig kaya sumama ang tiyan ni Daddy Jun. Baka daw pati si Rap mag-diarrhea din. Niloloko niya nga si Rap. Last year, nung mag-celebrate si Rap ng birthday niya sa Naga, bumili si Tita Ops (whom Rap fondly calls Lola Aba) ng bagong electric fan. This year, water dispenser naman.

Monday, May 2

Naga, here we come!!!

6am na kami nakaalis ng bahay. Late na rin kasi kami nakatulog. Nag-luto pa ako ng babauning lunch, nag impake ng mga damit na dadalhin. Nagpa-gas pa at nag-last minute check-up sa kotse.

Before 10 am we were already at Atimonan, Quezon. Sa roadside na kami kumain ng baon naming breakfast na hotdog buns and Iced Tea. Buti na lang at may dala akong banig. Maganda kasi ang nakuha naming spot. Tabing dagat siya at naka-park kami sa ilalim ng lilim ng malaking puno.

After more than an hour we stopped for an early lunch sa Calauag, Quezon. Humanap uli kami ng magandang spot for us to enjoy our Chicken Pork Adobo. Beyond that place kasi mahirap na humanap ng place to stop over. NPA county na raw kasi doon.

One hour din kami nag-stop para maka-pahinga ang makina ng sasakyan. We entered Quirino Highway a little past 12 noon. May narinig kaming hissing sound sa sasakyan. Parang static. Hindi naman radyo. Na-praning si Daddy Jun at akala niya may problema ang kotse. Binuksan niya ang hood, sinilip ang makina, wala namang problema. Umandar uli kami. Nandoon pa rin ang tunog. Pina-stop ko uli siya at sinilip ko ang ilalim ng kotse. Anak ng patola! May maliit na sanga lang pala ng ipil-ipil na sumabit. Nakahinga kami ng maluwag. Imposible kasing may sira ang kotse at bago kami umalis papuntang Bora, pina-kondisyon muna namin ang sasakyan.

Tuloy-tuloy na kami pagkatapos nun. Tulog na ang mga pasahero namin sa likod. Syempre, busog na, walang radyo. At sa haba ng binyahe namin, naubos na rin ang mapagku-kwentuhan. Bilib ako! Kahit malubak ang 2 oras na byahe namin sa Quirino Highway tulog na tulog pa rin sila. Si Rap, naghihilik pa!

2:30 pm dumating na kami sa bahay ni Mama sa Naga. Birthday niya noong araw na iyon. Meron nang pancit na nakahain sa mesa. Nag-bake din ng cake si Ate Cel (sister ni Daddy Jun at mommy ni Megan). Dun muna kami nag-stay habang pinapalinis pa ni Tita Ops ang tutuluyan naming kwarto sa bahay niya. Mga ilang minutes away lang yun.

Kinagabihan, nagkaroon ng special dinner kasi nga birthday ni Mama. After noon, umuwi kaming sandali sa bahay ni Tita Ops para magbihis at ilalabas namin sa isang bar si Mama. Hindi na sila sumama. Kami lang nila Rap, Daddy Jun, at Mama ang lumabas. Iba ang nightlife doon. Kung susumahin sa isang salita, CORNY!. Probinsyang-probinsya. Ok lang, at least alam naming masaya si Mama nung birthday niya. Ayaw pa nga sana niyang umuwi kaya lang hindi ko na maibuka ang mata ko sa antok around 12 am kaya umuwi na rin kami.