Tuesday, April 26

Babu! See you in two weeks! :)

Paalis na kami tonight for Bora. My 3rd time, Daddy Jun's and Rapido's 2nd. Pero si Rap feeling first time dahil baby pa siya nung dinala namin dun. Syempre hindi ko kinalimutan ang notepad ko. Para makagawa pa rin ako ng entries while I'm away. Naku, two weeks pa naman yun. After Bora kasi we have to visit my husband's relatives sa Naga. Ang dami kasing may birthday ng May: Mama Babes (my MIL), Tita Ops, Tita Myrna, Dong, and Rapido. At least sa Naga we can have internet connection. Tambak ang inbox ko niyan sigurado pagbalik!

I'm praying for a safe journey. Promise, no snorkeling and island hopping this time around. Ayoko na mawalan ng camera and cellphone, no!

Monday, April 25

Weekend by the Bay

What a weekend!

Daddy Jun, Rapido, and I checked in with my family at Manila Diamond Hotel. Family bonding eching daw. 22nd birthday din kasi ni Bo, ang aking kapatid na pinaka-masunurin sa mga utos ko. I'm giving two thumbs up for the place. Our room was overlooking the Manila Bay. Ganda ng view, sobra!

We were just in time for the Aliwan Festival in CCP complex. the fluvial parade was awesome! Feeling ko nanonood kamin ng Flower Festival in Baguio. Kaya lang I watched by our window from the 23rd floor of the hotel. Okay pa rin. Daddy Jun and I were so tired from our LRT and jeepney trip from the hotel to Philtranco Terminal in Pasay. Wala pa kaming napala. (I'll tell the details in my other post.) Lolo Pikoy, Mamita, and Aki went down and stood in front of Kalipay Bar. Nakakatawa ang tatay ko, nakita pa rin niya kami na nakadungaw sa window. Kaway ng kaway, bumaba daw kami. Buti na lang at nakapula siya, kitang kita kahit sa malayo.

Nine p.m. na kami bumaba for dinner. Ang tagal naming hinintay si Bo. Galing pa kasi siya sa youth meeting sa church. Akalain mong head pa siya ng Youth Ministry ng Greenwoods. Siya rin ang representative ng parokya sa Diocese of Antipolo. Gutom na si Rapido at inaantok na. Hindi kasi natulog ng hapon at nagbabad sa bathtub. Tinawagan ko si Bo na i-meet na lang kami sa Cafe Adriatico by the Bay.

Nakakatuwa. Kami lang magkakapatid ang lumabas kasama si Daddy Jun at Rapido. Bloated si Mamita at gusto niyang bumalik na sa hotel. Si Lolo Pikoy, gustuhin man niyang gumimik, kinunsensya namin na samahan si Mamita sa room at wawa naman. Inaasar nga namin ang matatanda eh, syempre private time, alam mo na.

After eating naglakadlakad kami sa Baywalk. Malaki na talaga ang ginanda ng lugar. Dati walang espesyal na makikita. Marumi, mabaho, madilim pag gabi. Ngayon, ang dami na naming pictures. Maganda kasi ang lugar lalo na nung gabi. Makulay ang mga ilaw, masaya ang mga tao, madaming banda.

Naglolokohan nga kaming magkakapatid eh. Nung bata kasi kami sapilitang pinapaligo kami ni Lolo Pikoy sa dagat ng Manila Bay. Nung may ubo si Bo, pinaligo doon. Nung may bungang araw ako, pinaligo din ako doon. Yun pala, front lang kami ni Lolo Pikoy para makakuha siya ng kawayan sa tabing dagat. Pang-gawa ng kulungan ng manok.

Pabalik sa hotel bumili si Bo ng pizza. Si Toto naman sinagot ang beer. Nag-tongits na lang kami sa room namin. Nakakapagod din kasi maglakad, lalo na't inaantok si Rapido. Nagta-tantrums na at lahat inaaway.

Masaya kaming lahat nung gabing yun. Proud akong sabihin na close kaming magkakapatid. Nasa pagpapalaki na rin yata sa amin. Sa hirap ng buhay na naranasan namin sa aming paglaki, natutunan na naming maging isa. Sabi nga ni Ate Do sa blog niya, "We still laugh at our own stupid jokes, lenient at our own hilarious pranks and forgiving at our mistakes." Sana nga, kahit na makapag-asawa na rin sila ganoon pa rin kami.
This entry was posted in

Tuesday, April 19

Accident Prone

Kahapon, nasubukan ang tolorance ko for pain.

Ipagluluto ko si Rap ng fried chicken noon. Ang mga pinamalengke kasi na meat and fish, pagkatapos kong hugasan, nilalagay ko sa mga tupperware. Nung Sunday, nag-grocery kami kaya punong-puno ang freezer. Ang mga tupperware, nagkapatong-patong. Pagbukas ko ng pinto ng frezer, nahulog ang isang tupperware sa left foot ko! Ay grabe, nagdilim ang mundo ko. Namilipit ako sa sakit. Narinig ko si Rap na tumatawa. Iyak tuloy ako. Sabi ko, "Nasaktan na nga si Mommy tinawanan pa!". Eh hindi pala ako ang tinatawanan. Nagbabasa kasi siya ng Alladin at natatawa siya dun sa binabasa niya. Wala palang kaalam-alam ang bata sa nangyari. Kakatuwa, kinuhanan naman niya ako ng isang basong tubig. Naawa yata sa itsura ko.

Me? Accident prone? I’m sure my husband would be the first to shout “Yes, you are!!!”. Hehehe….

My parents told me that my earliest accident happended when I was below a year old. They were both working and me and my older sister were left to the care of older cousins. Sabi nila, iniwan daw akong natutulog sa duyan. And I fell. That's how I got the crack on the left side of my skull. Kaya nga pag nagma-maldita ako noon, tinatawag ako ng Papa ko na Baltik. Sumisingaw daw kasi ang katinuan ng utak dun sa crack.

The earliest recollection I have was in pre-school. My sister and I studied in the baranggay day care center of La Paz, Makati. Our house was just along Primo de Rivera St. 2164 nga ang number ng apartment, eh. O di ba, alala ko pa. Effect din siguro ng crack! Anyway, my cousin, Kuya Armando, fetched me from school that day. Naka-single bike lang kami. Naaalala ko pa noon, from Vito Cruz extension nag-right turn siya sa Primo de Rivera and may umarangkadang pulang kotse sa likod namin. Tumalsik si Kuya Armando sa kalsada. Ako, na-shoot ako sa kanal. Dati, sa lugar namin sa Makati, ang daming mga kanal. Yung malalaking tipo pa ha. Buti na lang mababaw. Kung hindi, dead ang lola niyo! Hahahaha! Nadagdagan nanaman ang title ko. Kanal Beuty na rin ang tawag sa akin ng mga pinsan ko. Oo nga pala, from that accident, I got a crack sa ilong ko. Puti na lang, uso na noon ang corrective surgery. Naayos naman ang crack at hindi masyado halata yung peklat.

Next major accident, Grade 1 na ako. Naalala ko, that was a day before the Linggo ng Wika program in our school. Kasi, pumunta kami ng Makati Square noon at naghanap ng accessories si Mama for me. Kakanta kasi ako ng "Ako ay Pilipino" kinabukasan sa program. Showing noon yung "Inday Bote" starring Maricel Soriano. Eh syempre, fantasy so nanood ang buong family. Nangyari ang aksidente pag-uwi na namin. Nauhaw kasi ako noon. Eh walang pumapansin sa akin. Namaos na ako sa pagsasabi ng "Water, please." wala pa ring nagbibigay. Busy kasi ang mga tao sa pag-aayos nung gown na susuotin ko. Kinakabitan nila ng mga sequins. So, kumuha ako ng water. Yung bote ng tubig namin noon eh yung lumang bote ng Magnolia Chocolait. I swear, sobrang kapal ng bote na yun. Dumulas sa kamay ko, nahulog sa left foot ko. Ayun, basag ang bote at ang lalaki ng bubog sa paa ko. Dinala ako sa St. Augustine hospital. Buti na lang running distance lang. Running kasi tinakbo ni Uncle Junior ang ospital habang karga-karga ako. Ilang stitches din ang nakuha ko. Malaki ang peklat sa may puno ng pinakamalaking daliri. Hanggang ngayon masakit pa pag tinatamaan. Ilang buwan din nila akong binansagang Inday Bote. Isang linggo akong naliligo ng may plastic sa paa. Nung kumanta ako kinabukasan, di-escort pa ako. Si Ryan Marasigan, classmate ko nung Grade 1.

Grade 5, dumalaw kami ni Ate Net (isang pinsan ko nanaman) sa mga pinsan ko sa Southville, Binan. Marami silang bike. Nasa Ermita na kami nakatira noon at bihira ng mga kalsadang walang masyadong sasakyan. So sabik na sabik akong mag-bike. Nag-bike kami ni Sarah paikot sa subdivision nila. Hindi ko napansin ang malaking hump. Ang taas ng lipad ng bike ko. Lumanding ako sa kalsada, una ang bibig. Ewan ko nga ba kung bakit ganoon? Siguro nakanganga ako sa sobrang shock! Bali ang dalawang ipin ko sa harap. Permanent pa naman. After one week, pinabunot na ni Mama ang mga ipin ko. After a week, sinukatan ako for dentures. December 11, 1989 kinabit ang bagong dentures ko. Hanggang ngayon, naka-dentures pa rin ako. Naka-ilang palit na nga ako eh. (Thanks to Dr. George, ang aking dentist-friend.) Nag-iipon pa ako pang fixed bridge, yung permanent dentures na. Last time ko kasing magpa-quote forty-two thousand lang naman. Kakasuya! :(

Mga major lang pala ang naisusulat ko from my childhood ha, di ko na masyadong lalahatin at nakakahiya na sa inyo. Teka, ang kagat ba ng aso considered na major accident? Kinagat din kasi ako ng aso noon, pero di ako nagpa-rabies shots. Basta si Ate Doyet, isa rin sa mga pinsan kong taga-alaga sa amin, nagtadtad ng bawang at tinapal dun sa kagat. Tingin ko, wala naman akong rabies. (Aw, aw!!!)

Maraming pang mga aksidenteng nangyari. Yung iba, dahil sa katangahan ko. Yung iba, sa katangahan ng iba. Naaalala ko pa nung nag-snorkeling kami sa Boracay nung year 2001. Papunta na sana kami sa Puka Beach noon. Sumakay na ang mga nasa tubig doon sa boat namin. Nahuli ang aming ga-balyenang tourist guide. Aba, nung siya na ang sumampa, tumagilid ang boat. Naitapon kaming lahat sa tubig. Buti na lang, sila Mama at yung iba pang di marunong lumangoy nakasuot ng life vest. Ako, karga karga ko si Rap. One year old pa lang siya noon. Buti na lang marunong akong lumangoy. Itinaas ko lang siya hanggang mai-ayos yung boat at may kumuha na sa kanya. Nung safe na si Rap saka ko na hinanap ang mga gamit ko. Malas! Nahulog din ang camera at cellphone ko.

Pero sabi nga nila, walang may gusto ng aksidente. Kaya nga aksidente eh. Sabi ni Daddy Jun, nasa conditioning lang daw ng utak yan. Dapat daw nasa isip mo lagi bago gumawa ng action is Safety First. Ginagawa ko naman, eh. Pero pansin ko pag ang action eh may connection kay Rap. Pag sa akin, bahala na si Batman. Ganoon naman yata ang mga nanay eh. Protective lang sa mga anak. Kahit malimutan ang sarili, okay lang.

Masakit pa rin ang daliri sa paa ko hanggang ngayon. Baka nga mamatay ang kuko ko nito. Nangingitim na kasi eh. Attend pa naman ako ng family reunion today. O siya, till next time uli. Kelangan ko pang lagyan ng cutex 'to para maitago ang pangingitim ng kuko ko!

Saturday, April 16

Dear Ate France,

Isang taon na pala mula nang umalis ka. Nakakainis ka, di ka man lang nagpaalam. Ni hindi ko nalaman na may sakit ka. Bakit ang mga text mo sa akin noon, puro forwarded. Puro masasaya. Puro inspirational. May problema pala, di ka man lang nagsasabi. Ilang buwan ka na raw may sakit. Ang alam ko nag-usap pa tayo one month bago ka umalis sa mundong 'to. Bakit di mo man lang sinabi?

O ako ba ang nagkulang? Dapat siguro ako na ang nakaramdam. Pero hindi, eh. Ang saya saya pa rin kasi ng dating mo, kahit sa mga text at maiikling pag-uusap lang natin sa cellphone. Siguro tingin mo pa rin sa akin batang hindi naman masyadong makakaintindi ng problema. Na hindi naman makakatulong.

Haay, naku. Hanggang ngayon gulong-gulo pa rin ang isip ko. Ikaw naman kasi, bigla ka na lang umeskapo sa mundo. Ang naaalala ko, nag-text si Kuya Val ng Wednesday nasa ICU ka na. Malayo ang Santa Rosa sa Mandaluyong pero sa maniwala ka't sa hindi nagplano talaga ako na pupuntahan kita. Nag-usap na kami nila Ate at nila Jeng. Sabay sabay kaming dadalaw ng Sunday. Saturday kasi enrollment ko sa UPOU. Wala rin naman akong mapag-iiwanan ka Rap kung weekday kami pupunta. Pero hindi na kinaya ng katawan mo. Saturday pa lang umalis ka na.

Ang laki ng pagsisisi ko noon. Di ko man lang nasabi kung gaano ka kahalaga sa akin. Sana man lang narinig mo. Kahit walang reaction, ok lang. Pumunta kami ng UPLB ni Alex na windang ang isip ko. Ang daming tanong na hindi mo nasagot. Ang daming sana na hindi ko natupad.

Hanggang ngayon naaalala pa rin kita. Lalo na pag nagigitara o nagpa-piano ako gamit ang songbook mo. Hindi ko na nga pala naisoli sa iyo. Remembrance mo na lang sa akin, ha? Nung pinalabas sa Star Movies yung Tomorrow Never Dies. Naaalala ko, tayong dalawa nanood nun di ba? Tapos narinig ko yung Till There Was You sa radio. Naiyak ako. Mahirap pala talaga kalimutan ang isang taong nakasama mo ng matagal.

Di ba nagkakilala tayo sa Music Ministry 2nd year highschool pa lang ako? Naaalala ko noon palagi mo ako pinapapunta sa office niyo paglabas ko sa school. Libre chika, libre merienda. Syempre libre silip din sa crush ko na nasa office niyo nun. Nagka-tampuhan pa nga tayo noon kasi ayaw mo muna akong mag-boyfriend di ba? Eh syempre ang tigas ng ulo ko, sumige pa rin ako. Anong napala ko? Two-timer lang pala ang mokong na yun! Kakahiya nga sa iyo pa rin ako umiyak noon. Pero yakap lang ang napala ko galing sa iyo. Walang pagsusumbat. Walang galit.

Nandito pa rin ang teddy bear na regalo mo sa akin nung debut ko. Pinangalanan kong Paris (kasi nga galing kay France, hehehe...). Pero pinamana ko na sa inaanak mo at gustong kayakap sa gabi. Sabi ko nga akin yun kasi gift mo nung debut ko. Sabi niya kanya daw kasi Ninang niya ang nagbigay. Pumayag na lang ako. At least, parang kayakap ka niya pag gabi. Kasi, alam mo, ikaw daw ang bago niyang guardian angel. Kaya ikaw na ang bahala sa inaanak mo, ha? Ikaw na magbantay pag wala ako.

Nung libing mo, nagkaroon ako ng chance na magbigay ng speech sa mass. Sabi ko, di lang ako nawalan ng kaibigan. Nawalan din ako ng nanay, kapatid, taga-alaga. Kasi totoo naman. Mas inuna mo pa ang pangangailangan ng iba kesa sa mga pangangailangan mo. Pag simbang gabi noon na kailangan kong mag-overnight sa bahay niyo, ikaw ang nag-aasikaso ultimo tubig na pang-ligo ko. Yung Milo ko nga ayaw mo lagyan ng asukal kasi masama sa diabetes ko. (Pero pag nasa cr ka na, nilalagyan ko.) Pag may outing ang choir, dapat magkatabi tayo sa pagtulog. Sabay nating binabantayan si Ate Do para hindi maaswang ni Kuya Fred. Ikaw rin ang naglalaba ng mga damit ko. Ilan pa ba kaming inalagaan mo? Si Bam, si Ate Lunette, si Jeng, si Ate Ludy. Madami ata kami. Yung iba di ko na kilala.

Di ko na-direstso ang speech ko noon. Para kasing sasabog na ang dibdib ko sa lungkot eh. Saka, ayoko makita ng maraming tao ang mukha ko pag humahagulhol na. Ang pangit kaya! Sayang... Hindi ko man lang nasabi kung paano mo pinasaya ang mga araw ko noon.

Nung ika-40th day ng pag-alis mo napanaginipan kita. Tawa ka raw ng tawa. Maraming bulaklak, makulay ang paligid. Ano ba ang gusto mong iparamdam sa akin? Siguro masaya ka na kung nasaan ka man. Sigurado naman akong sa langit eh. Sabi nga ni Nanay Naty nung bumisita sila ni Kuya Val last Valentines Day, at least daw wala kang naiwan na asawa at anak. Pero ganoon din eh, naiwan mo pa rin kami.

Bukas, mago-offer kami uli ng mass para sa iyo. Si Rap uli ang mago-offer ng envelope. Last week ganun din ang ginawa namin. Kahit dun na lang man sana makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa iyo.

I miss you! Isang taon na, hindi ko pa rin masabing patay ka na. Para kasing nandiyan ka lang. Yun bang nasa malayo lang. Tulad ng dati. Unti-unti, matatanggap ko rin. Sana...

Friday, April 15

Si Junin, Ang Maaasahang Alalay

Kasali ako sa Smart Parenting e-group. Mainit ang issue ngayon tungkol sa mga abusadong katulong. Ako, sige lang, basa lang ng mga sharing nila sa inbox ko. Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako sa katulong ko.

Si Jun. Pero katukayo niya si Daddy Jun, Junin na lang ang tawag namin. Si Rapido syempre Tito Junin. Ayaw niya ng Tatay (lagi kasi naming niloloko na tatay niya si Jun).

Opo. Lalaki po ang katulong ko sa bahay. OK lang, magaling din naman sa bahay. Kaya lang ako pa rin ang nagluluto at nagpa-plantsa. Siya ang taga-hatid kay Rap sa school, taga-linis ng bahay, in-charge sa needs ni Yuri (ang aking beloved dog), taga-laba at taga-car wash. May bonus pa. Dati nagbabayad ako 300 pesos every month para lang magpa-gupit ng damo at halaman ng garden namin. Si Jun na rin ang gumagawa nun. Siya rin ang taga-ayos ng mga sirang gamit sa bahay. Dr. Junin nga ang tawag ni Mama Babes sa kanya eh. Name it, he can fix it. Ewan ko nga kung paano niya natutunan yun eh.

Kaya nga pakahihintay-hintay ko ang April 20. Ang pagbabalik niya galing Bayawan. Ayoko na kasi uli mag-hand wash no!

Swerte din namin at napunta sa amin si Jun. Pinsan siya kasi ni Janet, ang dating yaya ni Rap. Kaya lang umuwi si Janet para mag-aral ng college sa probinsya. Si Jun naman dating framer ni Mama Babes. Kaya lang, year 2003 di maganda ang negosyo kaya isinara na lang. Naawa naman kami kay Jun at wala siyang trabaho. Ayaw naman niya umuwi sa kanila at mahirap ang pera sa probinsya.

Ayun, magmula noon, siya na ang alalay ko dito sa bahay. Tahimik na tao, masyadong mahiyain. Di nga kumakain ng marami eh. Basta may kape, solve na. Di nagdi-day off, basta kung walang pasok si Rap, dito lang siya sa bahay at nagkukutingting ng kung anong pwedeng ayusin. Kaya nga nitong bakasyon niya ng 6 weeks, parang paid leave niya eh. Bayad ko sa mga day off niya na hindi niya ginamit. Sinagot ko na rin pamasahe para bayad ko sa mga inayos niyang gamit sa bahay at sa kawayan na garden set na ginaawa niya.

Sana nga matuloy na ang balak namin na makapag-aral siya kahit cellphone technician man lang. Para naman kahit umalis siya sa amin, meron na siyang nalalaman. Pero syempre, sana, matagal pa bago siya umalis sa amin. Mahirap na humanap ng katulong na tulad niya.

Category:

Thursday, April 14

Monday, April 11

Wash Day

My first blog and I thought of sharing my thoughts about this very unfortunate day. :(

Guess what? Our washing machine of 5 years broke down. Well... not completely. The fan belt of the machine kept on falling out of place. The drier's ok, though. But who needs a drier in this hot summer month?

Want to know what's worse? My trusty (and only) househelp is on vacation!

I can bring it to the laundry shop a few blocks away from our place. At 30 pesos per kilo, our entire week's load of dirty laundry will cost me a couple hundred bucks!

Being the "practical housewife" that I am trying to be, I decided to take charge of the laundry. Besides, my Mama taught me how to wash our clothes years before we could finally afford our first washing machine.

After Rap and I had our breakfast, I got our old "palanggana" and started to wash the whites, then the coloreds, and lastly the jeans. I left the bedsheets for the laundromat. At two to three kilos, it would be just within my budget. By twelve noon, I was done.

I was too tired to cook our lunch by then. So we had our food delivered from Mc Donald's. The bill was 180 pesos. Rap had his favorite Mc Chicken meal and I had a Quarter Pounder meal. It was still cheaper than bringing the whole laundry load to the cleaners.

I was tired. But then, even the most relaxing massage can't beat that satisfied smile on my little boy's face when it comes to soothing my tired muscles. And I still get a special massage from my loving husband later tonight. I can't wait!

Oh, well. I still need to get the washing machine repaired before next week's wash day is due.

Posted in: